Twittering Machine

Sunday, September 14, 2008

pop-up

Here's a picture of a movable book that Big Dipper's paper engineers are developing for the U.P. College of Medicine Class of 1960. 

It would feature turn-up and lift-up mechanisms inspired by the anatomical movable of Andreas Vesalius' De humani corporis fabrica librorumepitome that was printed in Basel in 1543. The latter book features a movable illustration of the human anatomy, shown in seven superimposed layers.

The first movable books actually predate the printing press. The earliest known examples of these interactive mechanisms are by Ramon Llull (c.1235 to 1315) of Majorca, a Catalán mystic and poet. His works contain revolving discs or volvelles, which he used to illustrate his philosophical search for truth. 

U.P.C.M. 1960 is the legendary class of Senator Juan Flavier, one of the three most prominent and influential classes from that school in the 20th century. Another class in this trinity, Class of 1956, undertook one of the three restorations of Botong Francisco's murals in the Philippine General Hospital lobby (the most recent restoration cost P1.73 million): the members engaged our services two years ago for the production of their Golden Jubilee book, featuring pictures of their alma mater by internationally-acclaimed photographer Lester Ledesma, as well as several videos

I anticipate that one more class from U.P.C.M. will emerge with the drive, ambition, and wealth to commission a book that would match the level of their predecessors' fantasy and control. I already have the design of the third book in this opulent, medical trilogy in my mind.

Expand your understanding of books by attending "Words Without Borders," the 29th Manila International Book Fair in SMX. Thank you to the immortal Florante for the song "Handog" (Offering).

Sunday, September 7, 2008

katanungan

Nabalitaan kong nanalo ang U.P. Pep Squad sa U.A.A.P.- nakakatuwa dahil nadaanan ko itong naghihinsayo noong nakaraang linggo at umaasa akong magiging tanyag ang aking alma mater, di lamang sa talino at pakikipagkawanggawa ng kanyang mga mag-aaral, ngunit pati na rin sa kahusayan sa palaro.

Isa pang nadaanan ko sa U.P. ang Pangsentenaryong Lektura ni Washington Sycip, na ama ng aking tagapatnubay na si Vicky Herrera. Nakilala ko si G. Sycip noong tag-araw ng 1995 sa bahay ni Vicky sa Tagaytay. Katatanggap ko pa lang sa Kolehiyo ng Batas, at nag-iisip na ang pamilya ni Vicky kung saang paaralan ng batas magandang pumasok ang kanyang kambal, sina Mina at Amor. 

Noong hapunan, katabi ko ang kanyang biyenang si Mahistradong Melencio-Herrera, na nagtanong, "Bilang abogado, ipagtatanggol mo ba ang taong alam mong may sala?" 

Dahil di pa ako kumukuha ng Etika Legal, aking sinagot, "Hindi po, dahil 'di ko matutupad nang maayos ang aking trabaho bilang abogado sa ganoong sitwasyon."

Pagkatapos naming kumain, pumasok naman sa bahay si G. Sycip na nakipagkamay at nagpakilala bilang "Wash." Mayroon rin siyang katanungan para sa akin, "Aling paaralan ang mas magaling, ang A.I.M. o ang U.P. College of Business Administration?"

Dahil di ko naman alam na siya pala ang nagtatag ng A.I.M., walang pagaatubili kong sinagot, "Ang U.P. po."

Napansin ko na mas mahilig magtanong ang kagila-gilalas na pamilyang ito- si M. Herrera ay apo ni Pangulong Aguinaldo- kaysa magbigay ng kasagutan. Kung kaya't di ako nagulat sa pamagat ng lektura ni G. Sycip, "Mga Katanungan para sa U.P." Maraming praktikal na payo si G. Sycip na tila nagmumula sa sentido kumon, subalit bilang paggalang sa mga taga-U.P., di niya tuwirang sinabi ang mga ito.

Ito ang aking "pagsasalin" ng mga katanungan ni G. Sycip sa anyong deklaratibo:

  • May responsibilidad ang Pamantasan ng Pilipinas o U.P. sa kondisyon ng bayan, dahil dito nagtatapos ang maraming pinuno ng pamahalaan at lipunan. (Sinabi niya ito at ang susunod na mga pananaw bilang isang taong nagbabayad ng buwis na sumusuporta sa mga Iskolar ng Bayan at U.P.)
  • Ang mga problema natin sa edukasyon ay di dahil sa isang administrasyon lamang, bagkus ito ay dahil sa naiipon na kapabayaan ng maraming administrasyon.
  • Upang maging matiwasay ang bawa't bahagi ng bansa, mahalagang bigyan ng pantay-pantay na pagkakataon ang kabataang makapag-aral.
  • Mahalagang humingi ng donasyon ang U.P. mula sa mayayamang mga alumni. Kung kaya ng mga magulang, mas magandang bayaran nila ng buo ang tuwisyon ng kanilang anak. Bilang bansa, mas kailangang bigyan ng pondo ang elementaryang edukasyon.
  • Kailangang pag-aralan ng U.P. kung paano nawakasan ng ilang modelong bansang Asyano- tulad ng Singapore, Taiwan, South Korea o Malaysia- ang kahirapan.
  • Para sa hinaharap ng diplomasya at kalakalan, kailangan ring pagtuunan ng pansin ang mga wika at kultura ng Asya at Gitnang Silangan.
  • Mahalagang paghiwalayin ang pamamahala at mga relihiyon, tulad halimbawa sa isyu ng kontraseptibo. Makakatulong dito ang pagkakaroon ng edukadong mga mamamayan.
  • Pagbayarin ang pagpaparada ng mga kotse.
  • Magkaroon ng matagalang plano sa pag-unlad.
  • Bigyang pokus ang turismo o hospitalidad at agrikultura.
  • Ipaalam sa alumni na ang ating donasyon sa U.P. ay maaaring ibawas sa kabuuang buwis.
  • Magkaroon ng "think tank" na tutulong sa pambansang pagpaplano ng susunod na 25 hanggang 50 na taon.
  • Pag-aralan ang modelo ng Ireland, na isa ring Katolikong bansang dumaan sa kahirapan at kaguluhang panrelihiyon, ngunit ngayo'y may per capita income na mas mataas pa sa United Kingdom. 
Sa kabuuan, tila minumungkahi ni G. Sycip na palaganapin ng U.P. ang ilang mga prinsipyong Asyano, tulad ng praktikalidad, disiplina at pagtutok sa pambansang interes. Ganitong klase ng kabayanihan ang kailangan ng bansa ngayong panahon ng sentenaryo ng U.P.



Subscribe Free
Add to my Page

Salamat sa orkestrang FilharmoniKA at kay Noel Cabangon sa bagong pagsasaayos ng "Kanlungan" mula sa album na Kumpas (2008).