Ilang linggo na ang lumipas, habang binabasa niya ang bagong labas na libro ng Kataastaasang Hukuman tungkol sa karapatang pantao, nang maalala niya ang hapong sumakay sa kanyang kotse ang isang pulis.
Nagmamaneho siya sa Quezon Avenue, papuntang Intramuros, nang siya'y pahintuin ng dalawang pulis sa intersection ng Araneta Avenue. Sumenyas ang dalawa mula sa ilalim ng overpass na ihinto ang sasakyan. Isa sa kanila'y medjo may edad na- may suot itong itim na cap- ang isa nama'y tila binata pa lamang.
Bago pa man niya malaman kung ano ang nangyayari, binuksan ang pinto sa kanyang kanan at sumakay ang mas batang pulis.
"Ano po ba ang problema?" nakangiti niyang itinanong. Medjo nag-alala siya dahil isang araw pa lang ang nakakaraan nang i-lift ng Presidente ang curfew.
"Magandang hapon po," magalang na sinabi ng opisyal sa kanyang tabi. "Maaari po bang magpatuloy na lang kayong mag-drive? Pupunta lang po tayo sa kampo."
No comments:
Post a Comment