Twittering Machine

Sunday, October 19, 2008

kapayapaan

Sa paglabas noong nakaraang linggo ng desisyon ng Korte Suprema tungkol sa draft na kasunduan ng gobyerno at MILF, maraming nagtatanong kung paano muling maisususulong ang prosesong pangkapayapaan sa Mindanao. Mahalaga ito para sa patuloy na pag-unlad ng ekonomiya at pagkamit ng seguridad, lalo na ng 2 milyong taong nawalan ng tirahan dahil sa labanan.

Isa sa mga bansang maaari nating tingnan bilang modelo ang Indonesia, na natamo ang kapayapaan sa teritoryong Aceh pagkatapos ng 29 na taong pakikibaka ng Kilusang Pangkalayaan ng Aceh (GAM). Tulad sa Mindanao, sinasabing nagmula ang tunggaliang Aceh sa kasaysayan, relihiyon, at di makatarungang alokasyon ng mga likas na yaman.

Nabigyang solusyon ang kapayapaan sa Aceh sa tulong ng Crisis Management Initiative, sa pamumuno ni Marti Ahtisaari, dating Pangulo ng Finland na siyang ginawaran ng Gantimpalang Nobel para sa Kapayapaan ngayong taon.

Nasa larawan sa itaas ang aking unang kaibigang Fino na si Ville Niinistö sa Hardin ng Ganap na Kaningningan sa Tsina, bago siya nahalal na Miyembro ng Batasang-Bayan ng Finland.
  
Salamat kina Tiina Kaaresvirta at Petri Korpela sa kantang "Tulen Synty Loitsu."

2 comments:

Anonymous said...

noam chomsky was better for nobel of peace

www.arelis.gr
it contains erotonomicon that the greek authorities forbade its publication and the poems new york olympia and exhibition of orthodromic retrospection

Voltaire said...

εια σου! Hi! Yes, Chomsky is inspiring. Do you think his ideas on libertarian socialism are practicable?