Twittering Machine

Sunday, January 4, 2009

panuloy




2009 year is the year of the earth Ox and 26th year in the sixty-year cycle. As Chinese astrology tells us, the Ox sign is the sign of prosperity found through fortitude and hard work. Such a year has a straight and unprejudiced nature, though it sometimes reveals hidden secrets without due thought, inadvertently hurting someone's feelings and offending others. It should turn out to be a prosperous year for those hard thinkers and active planners who believe in and rely on teamwork, run their own business, or work independently. -2009 Horoscope

Isang Masaganang Bagong Taon at Maligayang Kapistahan ng Tatlong Hari sa inyong lahat!

Nagpapasalamat ako sa lahat ng biyayang natanggap natin noong nakaraang taon, kung kailan sama-sama nating isinilarawan sa ating isipan ang isang dalisay na bayan at mundo.

Noong Bagong Taon ng 2008, ipinagdasal ko na magkakaroon tayo ng kasaganahan. At sa gitna ng mga problemang pinansyal na bumalot sa mundo, nanatili ang karamihan sa ating may trabaho at nakaranas pa nga tayo ng kaunting paglaki ng ekonomiya. Maging ako'y nagulat dahil umabot sa kalahati sa kinita ng aming kumpanya noong nakaraang taon ay mula sa ibang mga bansa. Ayon sa When Markets Collide ni Mohamed El-Erian- tinaguriang pinakamahusay na librong pangnegosyo sa 2008 ng The Economist- patuloy pa rin ang paglakas ng pumagitaw o emerging na mga ekonomiya tulad ng Pilipinas, kung kayat magandang paghandaan ang mga oportunidad na dinadala ng pandaigdigang pagbabago.

Dahil may iba akong nais pagtuunan ng pansin dito sa Café Voltaire ngayong taon- halimbawa, ang mga maaring maging Pangulo sa Halalan 2010 at mga pagsubok ng ating mga kababayang tila di makasakay sa tren ng kaunlaran- humihingi ako ng inyong tulong sa patuloy na pagdarasal o pag-aasam ng kasaganahan nating lahat. Ayon kay Mateo 17:20, "Kung kayo ay may pananampalatayang tulad ng butil ng mustasa, masasabi ninyo sa bundok na ito: Lumipat ka roon, at ito ay lilipat. At walang bagay na hindi ninyo mapangyayari." Sa pananampalataya, tila mas epektibo nga kung isa-isang bundok ang ating tatahakin- ang "bundok na ito"- imbis na sabay-sabay.

Mga resolusyon sa 2009:

1. Mag-ehersisyo ng lima o anim na araw bawat linggo (inspirasyon ko rito ang programa ni Barack Obama sa Men's Health)

2. Pagsusuri ng mga oportunidad sa Tsina at Rusya, dalawang malalaki't may impluwensyang mga bansa sa hilaga.


Pinoy Ako (Pinoy Big Brother Theme) - Orange and Lemon

No comments: