Twittering Machine

Sunday, June 7, 2009

talumpati

Kahanga-hanga ang talumpati ni Barack Obama sa Cairo, Ehypt, noong nakaraang linggo. Sa aking palagay, matatandaan ito bilang isa sa pinakamahusay na talumpati sa kasaysayan. Isa itong modelo sa sampung aspeto ng mahusay na talumpati na inilahad ni William Safire, ang patnugot ng Lend Me Your Ears: Great Speeches in History (2004):
  1. Pakikipagkamay sa mga nakikinig ("As-Salāmu `Alaykum" o "Peace");
  2. Maayos na pagkakabalangkas (ang pitong isyung kailangang harapin ng Silangan at Hilaga);
  3. Indayog o ritmo;
  4. Okasyon;
  5. Pokus;
  6. Layunin ("we have a responsibility to join together on behalf of the world we seek");
  7. Estilo;
  8. Tema ("new beginning");
  9. Pagbigkas;
  10. Kasagsagan.
Bagamat tila malayo ang Gitnang Hilaga sa Pilipinas, makabuluhan ang mensahe ng talumpati ni Obama dahil sa mahabang kasaysayan ng Islam sa ating bansa at sa laki ng ating populasyong Muslim (4-5 milyong Pilipino).

Sa pamamagitan ng isang talumpati, isinama ni Obama ang madlang tagapakinig sa isang paglalakbay sa malalayong lugar at panahon:

It was Islam – at places like al-Azhar University – that carried the light of learning through so many centuries, paving the way for Europe's Renaissance and Enlightenment. It was innovation in Muslim communities that developed the order of algebra; our magnetic compass and tools of navigation; our mastery of pens and printing; our understanding of how disease spreads and how it can be healed. Islamic culture has given us majestic arches and soaring spires; timeless poetry and cherished music; elegant calligraphy and places of peaceful contemplation. And throughout history, Islam has demonstrated through words and deeds the possibilities of religious tolerance and racial equality.

Nabanggit rin ni Presidente Obama sa kanyang talumpati ang Cordoba, isang lungsod sa Andalusia, Hilagang Espanya, na dating kabisera ng Kalipado ng Cordoba na siyang namuno sa buong Peninsulang Iberia. Ang larawan ko sa itaas ay kinuha sa labas ng Mezquita or Malaking Moske nito. Ginawa ito bilang simbahan, subalit kinuha ng mga Muslim at pinalaki; pagkatapos ng Reconquista ng Espanya, ginamit muli ang Mezquita bilang simbahan. Sa kagandahan ng paulit-ulit na mga arko sa loob nito, tila nasilayan ko ang Paraiso ng Sangkatauhan.

Para sa isang pagsasalarawan ng Ehypt, basahin dito ang kamakailang sanaysay sa Philippine Star ng aking kaklaseng si Jerick Aguilar.

No comments: