Ang enneagram ay isang modelo ng personalidad ng tao: sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong, maaari mo raw malaman kung ano sa siyam (ennea ang salitang Griyego para sa numerong siyam) na uri ng personalidad ang mayroon ka.
Dahil sinasabing ang Pransya ang bayan ng sining at paglikha- ng orihinalidad- ang paskel ko ngayong araw ay tungkol sa pambansang museo nito para sa sining: ang Louvre. Ang tunog nito ay loo-vruh o loo-va- parang "move" sa Ingles- kapag binibigkas ng Pranses. Walang nakakaalam kung saan nagmula ang pangalang Louvre- maaaring ito'y galing sa salitang Latin para sa lobo (lupus, lupi) na sinasabing noo'y gumagala sa lugar.
Sa isang sulat sa kanyang mga magulang mula sa Paris, sinabi ni Rizal na "tila ang Louvre ang pinakamahalagang gusali sa Pransya." Marami sa orihinal ng mga larawan at eskultura na ating nakikita sa mga Kanluraning libro- mahigit sa 35,000 na mga likhang sining- ang matatagpuan dito. Maaaring isa ito sa mga dahilan kung bakit tinawag ng isang manunulat ang Paris na "pansining at kultural na nukleus ng sibilisasyong Kanluran."
Di tulad ng pamilya ni Rizal, tayo ngayon ay may Internet na'ng maaaring gamitin upang maging pamilyar sa mga obra maestra nito mula sa iba't ibang bayan at panahon. Sa ilalim ang sampu sa mga mahahalagang obrang makikita sa Louvre na aking nagustuhan:
1. Ang Piramide at ang Palasyong Louvre mismo- Narito ang larawan ng mga gusaling ito'ng aking ipinaskel dati. Noong maagang bahagi ng dekada 1980, kinailangang palawakin ang espasyo ng museo at ang naging solusyon ng arkitektong si I.M. Pei ay gawin ito sa ilalim ng lupa! Dahil dito, nasunod niya ang kondisyon ng Presidente na respetuhin ang matandang Palasyo. Nagsisilbing silong mula sa mga elemento ang mala-kristal na Piramideng gawa sa salamin para sa mga bisitang bumababa sa hagdanan nito papasok sa palasyong-museo. Sa baba- sa tinatawag na Korteng Napoleon- makikita ang Binaligtad na Piramide (larawan ko rito) na naging tanyag sa pelikulang "The Da Vinci Code" mula sa nobela ni Dan Brown.
2. Lumilipad na Tagumpay ng Samothrace- Tuwang-tuwa ako sa estatwang marmol na ito ng Griyegong diyosa ng Tagumpay o Nike dahil bagama't matagal na siya sa mundo (ginawa siya noon pang 2 BK sa isla ng Samothrace), patuloy pa rin siyang nagiging inspirasyon sa mga manlilikha- sa pagsasalarawan ng mga anghel sa mga simbahan o maging sa swoosh na logo ng isang brand ng sapatos. Sinasabing inspirasyon rin ito para sa mga genie na nagbibigay tanglaw mula sa ibabaw ng bakod ng simbahan ng Betis, Pampanga.
3. Mona Lisa- Malamang ito ang pinakatanyag na larawan sa mundo ngayon dahil sa mga pinagdaanan nito: ninakaw, binato, pinahiram sa Washington DC, Tokyo at Moscow, at pinakita sa "The Da Vinci Code." Noong panahon ni Rizal, tila di pa ito kasing kilala: di niya ito naisalarawan sa kanyang mga sulat tungkol sa Louvre. Nasurpresa ako dahil di pala kalakihan ang larawang ito ng Italyanong si Leonardo Da Vinci: 30" por 21" lamang. Pinintura ito noong mga 1503-1519.
4. Venus ng Milo- Bakit kaya inuming tsokolate ang naiisip ko 'pag tinitingnan ko siya? May maliit na kopya nito si Mommy; may kasinlaking kopya naman si JLC sa tabi ng kanyang swimming pool. Itong eskulturang marmol na ito- pinaniniwalaang ang Griyegong diyosa ng pag-ibig na si Aphrodite (Venus sa mga Romano)- ay ginawa noong mga 130 hanggang 100 BK. Dati'y may kulay ang mga marmol na Griyegong estatwa, ngunit nawala na ang pinta sa paglipas ng panahon at ngayo'y puti na ang mga ito.
5. Koronasyon ni Napoleon I- Ang maganda lang sa pagtingin sa ilang orihinal na larawan ay nakikita ang tunay na laki nito. Ang larawan sa itaas ni Jacques-Louis David ay parang billboard ang laki- parang Ang Spoliarium ni Juan Luna sa ating Pambansang Museo. Natuwa ako sa mga ibinurdang bubuyog sa ilalim ng kapa ng emperadora- simbolo ang mga ito ng imperyong Napoleon. Natapos ni David ang larawan noong 1807 pagkatapos ng tatlong taong pagpipinta.
6. Handaang Kasal sa Cana- Isa pang kwadrong parang billboard ang laki. Ang ganda ng mga kulay, lalo na ng kulay luntian- makikita sa itaas ang luntiang Veronese (Veronese green) na minsa'y ating nababasa sa pangmodang magasin. Natapos itong malaking larawang ito sa Venesya sa Italya ni Paolo Veronese noong 1563.
7. Balsa ng Medusa- Ang komposisyon at drama ng Spoliarum ni Luna at ang masa ng mga tao sa monumento ng People Power sa EDSA ang naaalala ko kapag tinitingnan ko itong larawan ni Theodore Géricault. Nagustuhan ko- tulad siguro ng marami nating kababayan- ang tatsulok na komposisyon ng larawan. Nang itinanghal ito noong 1819, itinuri itong iskandalo ng ilang kritiko. Sa unang pagkakataon, pinintura ang mga di kilalalang tao (mga sakay ng kalulubog lang na barkong Medusa) sa monumental na paraang dati'y ginagamit lang para sa pagpipintang pangkasaysayan. Naging sagisag ang larawang ito ng Romantisismong Pranses.
8. Mga piraso ng Parthenon- Nakapaligid sa Parthenon ang mga relief tulad nitong Plake ng mga Ergastine (mga mananahi ng damit na inaalay kay Athena, ang kanilang diyosa ng wisdom o dunong). Ang Parthenon ang tanyag na templo ng lungsod ng Athens na itinayo noong mga 447- 432 BK. Pagkatapos ng maraming siglo, naging inspirasyon ito para sa maraming gusaling pampamahalaan ng mga demokrasya sa buong mundo, tulad ng lumang gusali ng ating Kongreso (ngayo'y bahagi ng Pambansang Museo). Sa Athens sa Gresya sinasabing ipinanganak ang ideya at sistemang politikal ng pamumuno ng mga mamamayan. May mga nagtatanong lang kung kanino ang mga pirasong ito ng templo: sa Gresya? sa Pransya? O sa buong sangkatauhan?
9. Grande Odalisque- Nakakatuwa ang pag-imbento ng pintor na si Jean Auguste Dominique Ingres sa porma ng odalisque o babae sa Turkong harem. Mahaba ang kanyang likod nang tatlong vertebrae at di tugma sa realidad ang ayos ng dibdib at kaliwang binti nito. Naging inspirasyon daw ito kay Picasso para sa paghahati-hati niya sa mga larawan ng mga katawan- at ng mundo- ayon sa kanyang imahinasyon. Pinintura ang Odalisque noong 1814.
10. Batas ni Hammurabi- Bilang abogado, naintriga ako sa itim na batong ito. Inukit dito noong mga 1790 BK ang 281 na mga batas sa pamumuno ng ika-anim na hari ng Babylon, si Hammurabi. Simbolo ito para sa akin ng ideya ng pamamayani di ng hari o sinumang tao ngunit ng batas.
The pictures above are from the website of the Louvre: www.louvre.fr. For a virtual The Da Vinci Code tour of the museum and other thematic tours, click here.

No comments:
Post a Comment