Twittering Machine

Monday, August 31, 2009

amsterdam 2

Miyerkules, Ika-19 ng Abril, 1944

Mahal Ko,

May mas gaganda pa ba sa mundo kaysa umupo sa harap ng bukas na bintana at magpaligaya sa kalikasan, makinig sa huni ng mga ibon, damhin ang araw sa iyong pisngi habang yakap-yakap ang binatang ginigiliw? Nagpapahupa ng kirot at napakapayapa ng pakiramdam ng kanyang mga braso sa palibot ko, ang kaalamang andyan lang siya nang di na kinakailangan pang magsalita, di ito kasalanan, dahil mabuti ang ganitong kapayapaan. Nawa'y di na magambalang muli, maging ni Mouschi.

Sumasaiyo,
Anne

Salin ito mula sa Het Achterhuis o Ang Bahay sa Likod (1947), ang Talaarawan ni Anne Frank, isang 13 taong dalagang Hudyong may natatanging husay sa pagsusulat. Noong Ikalawang Digmaan, nagtago siya kasama ng kanyang pamilya at isa pang pamilya sa lihim na mga kwarto ng isang gusaling pang-opisina sa Esterong Prinsengracht. Pagkatapos ng dalawang taon, nahuli sila ng kalaban at dinala sa mga kampong pinagiipunan ng bihag, kung saan namatay ang lahat maliban kay Otto, ang tatay ni Anne. 

Pagkatapos ng giyera, nang mahanap at mabasa ni Otto ang talaraawan ng anak ("Kitty" ang tawag ni Anne dito), nalaman niyang naging kasintahan pala ni Anne si Peter Van Daan, ang 15 taong binatang kasama nilang nagtatago. Si Mouschi ang kanilang alagang pusa.

Sa isang panayam, sinabi ni Otto na- kung mayroon siyang isang natutunan- ito'y ang katotohanang di tunay na nakikilala ng mga magulang ang kanilang mga anak. 

Ngayong taong 2009 ang ika-80 taon ng kapanakan ni Anne (1929-1945), kung kaya't ang talang ito'y hinahandog ko sa aking mga kasama sa Amnesty International at iba pang tao't samahang nagsusulong sa karapatang pantao.


Beautiful In My Eyes - Jed Madela

No comments: